1. Q: Maari po ba akong makasali sa e-Gamer Girls Club?
Answer:
Oo. Maari kang makasali sa e-Gamer Girls Club KUNG tunay kang BABAE. Hindi po kami nagsasali ng Chixilog.
2. Q: Paano ako makakasali sa e-Gamer Girls Club?
Answer:
Makakasali ka lamang kapag may OPEN RECRUITMENT ang e-Gamer Girls Club. Usually, kapag may mga MAJOR On-Ground Events lalong lalo na kapag mga Domination, Launching ng e-Games’ games (ex: RAN Global Tournament, Grand EBs) , Focus Group Discussions and other Meetings ng e-Gamer Girls Club.
Nagpopost din naman kami sa aming opisyal na website http://e-gamergirls.com kung kailan at saan ito gaganapin.
3. Q: Mayroon po bang Membership Fee?
Answer:
Oo. Ito ay nagkakahalaga ng Php200.00 para sa buong taon ng pagsasubscribe nyo as an e-Gamer Girls Club Member.
4. Q: Ano ano naman po ang makukuha namin kapag naging member na kami?
Answer:
Magkakaroon kayo ng Official e-Gamer Girls Club ID, ID lace at 1 year Membership Subscription o Title as a REAL Female Gamers ng e-Games.
5. Q: Para saan po ang mga Benefits na nakalagay sa Constitution?
Answer:
Lahat ng mga members ay makakakuha ng nasabing In-Game Items KUNG sila ay ACTIVE na Member ng e-Gamer Girls Club.
Makakakuha lamang sila nito every month kung makikipagparticipate sila sa mga activities ng e-Gamer Girls Club. Tulad ito ng mga Online Survey, Meetings at kung ano ano pang Announcement na makikita sa Official Website http://e-gamergirls.com
6. Q: Paano po pag hindi ako nakakakuha ng Items?
Answer:
May mga dahilan kung bakit hindi nakakakuha ang isang member ng in-game items:
1. Mali o kulang ang inyong nailagay na Game Information sa Membership Form.
2. Hindi kayo nakikicooperate sa anumang activity ng Club.
3. Paglubag sa nakalagay sa e-Gamer Girls Constitution
7. Q: Paano po namin makukuha ang aming e-Gamer Girls Official ID?
Answer:
Please visit this link: http://e-gamergirls.com/blog/?p=79